Thursday, March 26, 2009

Paglalaro – pagbabago Ni Cecille Apsay

Buhay ko’y sadyang kakaiba,
Utak koy magulo nung una pa,
Sadyang bulalas kung tumira,
Di batid ang wika ng iba,
Sunod sa layaw kung umasta.

Nang dumating ang tulad mo sa buhay ko,
Mundo ko’y nagbago ng dahil sa’yo.
Ako’y tumino at nahulog sa’yo,
Pagiging malaro’y biglang nahinto,
Ngayo’y nagmamahal ng buong puso.

Kung ikaw’y mamasdan animo’y loko,
Pero puso mo’y tila ginto.
Sa buti ng loob at kabaitan mo,
Puso ko’y natutunaw ng dahil sa’yo.
Ngayo’y handing magbago alang sa’yo.

Pangako Yot ko, ako’y titino,
Sa iyo buong puso ko,
Sana lang ito’y pahalagahan mo,
Nang di maagaw mula sa’yo,
Alay ko sa iyo pagmamahal ko.

No comments:

Post a Comment